Warrior star Draymond Green – pumalag sa hindi pagkakasama ni Klay Thompson sa all-NBA team

31

NBA – Pinalagan ni Golden State Warriors Star Draymond Green ang hindi pagkakasama ng kanilang sharpshooter na si Klay Thompson sa all-NBA team.

Sabi ni Green, apat dapat sila nina Stephen Curry, Kevin Durant at Thompson na pasok sa nasabing listahan.

Kung tutuusin nga aniya, mas magaling pa si Thompson sa ilang napabilang na mayroon lamang average 20 points habang bitbit ni Thompson ang career-high 22.3 points.

Nabatid na kabilang sa first-team honorees ng all-NBA sina Lebron James ng Cleveland Cavaliers, James Harden ng Houston Rockets, Russel Westbrook ng Oklahoma City Thunder, Kawhi Leonard ng San Antonio Spurs at Anthony Davis ng New Orleans.

Habang pasok naman sa second team sina Curry, Durant, Isaiah Thomas ng Boston Celtics, Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee at Rudy Gober ng Utah Jazz.

Nasa third team naman sina Green, John Wall ng Washington Wizzards, Demar Derozan ng Toronto Raptors, Jimmy Butler ng Chicago Bulls at Deandre Jordan ng L.A. Clippers.
DZXL558

Facebook Comments