Warriors, tinambakan ang Suns; 132-109

Tinambakan ng Golden State Warriors ang Phoenix Suns sa kanilang naging New Year match sa NBA.

Tinalo ng Warriors ang Suns sa score na 132-109 kung saan nanguna sa panalo ng Golden State sina Stephe Curry na may 34-points at 9-rebounds at Kevin Durant na may 25-points.

Ito na ang ikalawang sunod na panalo ng Warriors at nananatili sila sa ikalawang pwesto ng team standings na may 25 na panalo at 13 na talo.


Lalo naman nabaon sa huling pwesto ng Western Conference ang Suns na may 9-29 win/loss record.

Facebook Comments