Warriors, tinapos na ang kanilang four-game losing streak kontra Bulls

47

Pinangunahan ni Stephen Curry para talunin ng Golden State Warriors ang Chicago Bulls sa score na 116-102.

Gumawa ng 32 points si Curry sa Warriors para tapusin na ang kanilang four-game losing streak.

Nagdagdag naman si Andrew Wiggins ng 21 points para sa Warriors habang tumulong din si Draymond Green na nakagawa ng game-high nine assists at 11 points.


Nabigo naman para sa Bulls si Nikola Vucevic na kumanada ng 21 points.

Facebook Comments