Warriors – wagi kontra San Antonio Spurs

NBA – Pambihirang naipanalo ng Golden State Warriors ang laban nito kontra San Antonio Spurs matapos na mahabol ang 22 puntos na kalamangan ng Spurs sa unang bahagi ng laro.

 

Naging malaking tulong ang 15 points ng dating manlalaro ng Spurs na si David West para itabla ang laro hanggang sa makalamang ito ng 3 puntos sa kalaban.

 

Kumamada naman ng 29 points si Stephen Curry habang 23 points si Klay Thompson.

 

Samantala, ngayong season, posibleng makapaglaro na rin si Golden State Forward Kevin Durant dahil sa patuloy na pagbuti ng kanyang kalagayan.

 

Matatandaang napilay ang kanyang kaliwang tuhod, apat na linggo ang nakaraan.



Facebook Comments