Warriors, wagi kontra Utah Jazz

47

Bumida si Stephen Curry sa panalo ng Golden State Warriors kontra Utah Jazz, 115-108.

Umiskor ng 24 points si Curry at dinagdagan pa ito ng 28 points ni Kevin Durant.

Kumubra rin ng 22 points si Klay Thompson para masungkit ang ika-apat na sunod na panalo ng Warriors.

Nabalewala naman ang 25 points ni Donovan Mitchell para sa Utah Jazz.

Sunod makakaharap ng Warriors ang Portland Trailblazer bukas habang dadayuhin ng Jazz ang Oklahoma City Thunder sa February 23.

Facebook Comments