WASTE MANAGEMENT CODE NG DAGUPAN CITY, PLANONG BAGUHIN BAGO MAG 2026

Planong i-update ng Pamahalaang Panglungsod ng Dagupan ang umiiral na Waste Management Code para sa mas ikabubuti ng proseso sa pamamahala ng basura.

Ayon sa alkalde, kasabay ng mga pagdating ng mga equipment at sasakyan para sa waste management ng lungsod ay ang plano nitong magdagdag ng ilang panuntunan tulad ng segregation sa mga kabahayan.

Naibahagi din ng opisyal ang magandang kaugalian sa paghihiwa-hiwalay ng basura na nasaksihan nito sa pagbisita sa City of Andong, Korea.

Dahil dito, muling iginiit ng alkalde ang kahalagahan ng pagtalima sa segregation upang maayos na makolekta ang mga basura sa mga kabahayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments