WASTE SEGREGATION SA BAWAT KABAHAYAN SA LINGAYEN, STRIKTONG IPATUTUPAD

Istriktong ipatutupad ng Lingayen Municipal Environmental and Natural Resources Office ang hindi pagtanggap sa mga basura na hindi dumaan sa segregation.

Base sa anunsyo ng tanggapan, dahilan ito ng limitadong access sa pagtatapon ng basura sa alternatibong waste facility sa Urdaneta City, bukod pa sa pansamantalang pagsasara ng Sanitary Landfill na pinagbabagsakan ng basura sa lungsod.

Kinakailangan i-segregate sa bawat kabahayan ang kanilang basura mula sa bio at nom-biodegradable, recyclable o mga bote na dadalhin sa mga junkshop, at residual wastes habang hinikayat naman na itapon sa compost pit ang ilang nabubulok.

Magsasagawa rin umano ng regular na inspeksyon ang mga barangay council at maaaring mapatawan ng multa, warning o sanctions ang sinumang lumabag sa ordinansa.

Binigyang-diin ng tanggapan ang kahalagahan ng kooperasyon ng bawat residente upang maisaayos ang problema sa basura. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments