Ilang barangay sa San Carlos City ang nabigyan ng composting materials bilang patuloy na pagsulong sa lungsod ng tamang pamamahala ng basura at pangangalaga sa kalikasan.
Ilan sa mga nabigyang barangay ay Barangay Doyong, Barangay Palospos, Quezon Boulevard, at Barangay Tarece.
Ang mga composting materials na ito ay malaking tulong para sa responsableng pamamahala ng mga basura at gawin pa itong kapaki-pakinabang.
Bukod dito ay makatutulong rin ito upang mas mapangalagaan pa ang kapaligiran at ng kalikasan.
Bukod sa Sa San Carlos City, nabigyan rin ng mga nasabing kagamitan ang iba pang bayan tulad sa Malasiqui, Santo Tomas, Bayambang, at Mangatarem. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









