WASTONG SEGREGATION NG BASURA, IPINANAWAGAN SA MGA RESIDENTE NG BRGY. PANTAL, DAGUPAN CITY

Nananawagan ang barangay council ng Pantal, Dagupan City sa mga residente na mag-segregate ng basura bago ito kolektahin ng Waste Management Team.

Sa ibinahaging video ng isang opisyal sa barangay, makikita na mano-manong kinakamay ng mga kawani ang bawat sako ng basura upang masegregate ang mga holcimables, nabubulok, bote o bakal at mga hazardous waste.

Kinakailangan umano nila itong gawin upang maitapon sa dumpsite ng lungsod ang mga nakolektang basura dahil striktong ipinatutupad ang “No Segregation, No Collection” Policy.

Malaki umano ang maitutulong ng simpleng segregation sa mga kabahayan na sumasalamin sa disiplina ng bawat residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments