Water concession deals, sisimulan nang pag-usapan ng pamahalaan

24

Uumpisahan na ng pamahalaan ang negosasyon nito sa Manila Water Company hinggil sa kasalukuyang water concession agreement.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang pag-uusap ay nakatuon sa revised draft ng kasunduan.


Tiwala si Guevarra na ang revised water concession agreement ay mayroong “great improvement” kaysa sa original agreement.

Aalisin na rito ang mga kwestyunableng probisyon.

Matatandaang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Justice (DOJ) na makipag-usap sa dalawang water concessionaires hinggil sa pagrerebisa sa kasalukuyang contracts.

Facebook Comments