Water Defender, wagi kontra Lady Warriors sa PVL Open Conference

27

Sports – Ginulat ng Balipure Purest Water Defender ang Pocari Sweat Lady Warriors sa loob ng tatlong set na, 25-22, 25-19, 25-22, sa kanilang unang game sa inaugural Premier Volleyball League open conference para sa best of three finals series sa Filoil Flying V sa San Juan City.

Sinubukan ng 11 points ni Elaine Kasilag at 9 points nina Myla Pablo at blocker Jeanette Panaga para isalba ang Lady Warriors.

Pero game na game si Aiko Udras na pumalo ng 15 puntos mula sa isang dosenang atake at tatlong blocks para sa Balipure na sinuportahan naman ng 14 points ni Malabanan.

Sa ngayon ay naghahanda na ang dalawang koponan para sa game 2 sa Miyerkules at game 3 sa August 19 kung kinakailangan.

Facebook Comments