Water for all Fund Movement, sumulat sa Kamara para kwestyunin ang inaprubahang congressional franchise ng dalawang malaking water concessionaires sa bansa

47

Nagpadala na ng liham kay House Speaker Lord Allan Velasco ang grupong Water for all Fund Movement kaugnay ng naibigay na congressional franchises sa dalawang malaking water concessionaires na Maynilad Water Services at Manila Water Co.

Ayon kay RJ Javellana, Presidente ng Water for All Refund Movement, nais nilang imbestigahan ni Velasco kung bakit agaran ang naging desisyon ng House Legislative Franchises Committee gayong hindi ito dumaan sa demokratikong konsultasyon.


Hindi aniya naimbitahan ang mga stakeholders na mayroong mga reklamo.

Tinawag ni Javellana na moro-moro ang aksyon ng komite.

Partikukar na kinukwestyon ng grupo kung bakit open-ended ang probisyon patungkol sa haba ng bisa ng ibibigay na franchise.

Ani Javellana, dahil sa franchise, di malayong mapaikutan ang pagdedeklara bilang public utility sa naturang mga water concessionaires kung saan maari na naman itong magpatong ng sobra-sobrang tubo.



Facebook Comments