Weather Report

16

Asahan ang magandang panahon ngayong weekend dahil sa walang nakitang sama ng panahon ang namumuo sa Philippine Area of Responsibility.

Dahil pa rin sa pag-iral ng ridge ng high pressure area, maaliwalas na panahon ang asahan sa Northern Luzon.

Mainit na temperatura naman ang mararansan sa Cabanatuan, Tuguegarao at maging sa Metro Manila na may tsansa pa rin ng isolated thunderstorm o biglaang buhos ng panandaliang ulan sa tanghali o hapon.

Magiging maganda rin ang panahon sa Cebu at natitirang bahagi ng Visayas.

Sa Mindanao, asahan pa rin ang paminsan minsang malakas na ulan dahil magiging aktibo ang thunderstorms sa weekends dala ng Easterly winds.

Agwat ng temperatura sa metro manila mula 26 hanggang 34 Degrees Celcius.

Sunrise: 5:38 ng umaga
Sunset: 6:11 ng gabi
Nation

Facebook Comments