Weather Update!

161

Manila, Philippines – Patungo na ng Hong Kong at Southern China ang dating Low Pressure Area na ngayo’y bagyo na may international name na merbok.
Bagama’t wala na itong epekto sa bansa, hinahatak nito ang habagat o southwest monsoon.
Umiiral naman ang rigged o extension ng High Pressure Area na magdadala ng mainit at maaraw sa silangan, gitna at hilagang bahagi ng Luzon partikular sa Isabela at Aurora.
Magkakaroon pa rin ng mahihinang ulan sa Visayasa partikular sa Samar, Bacolod at Catarman.
Aktibo naman ang thunderstorm sa malaking bahagi ng mindanao maliban sa CARAGA region.
Sa Metro Manila may pabago-bago ang panahon, sa umaga ay magiging maaliwalas maalinsangan naman sa tanghali at posibleng umulan pagdating ng hapon.
*Temperatura: 26-34 degree Celsius*
*Sunrise: 5:27AM*
*Sunset: 6:26PM*
DZXL558

Facebook Comments