Weather Update!

121

Manila. Philippines – Maaliwalas na panahon ang dala ng ridge o extension ng High Pressure Area sa ilang bahagi ng bansa.

Pero magkakaroon pa rin ng pag-ulan sa Mindanao partikular sa mga lugar ng Cagayan De Oro, Bukidnon, Cotabato at General Santos City.


Maganda ang panahon sa Visayas lalo na sa Iloilo, Cebu at Tacloban pero makakaranas ng isolated thunderstorm ang mga bayan ng Aklan at Bacolod.

May pag-ulan sa Luzon partikular sa mga lungsod ng Baguio, Dagupan, Cabanatuan at Zambales.

Sa Metro Manila, magkakaroon pa rin ng isolated rain shower sa dakong hapon o gabi.

Agwat ng temperatura mula 26 hanggang 33 degrees Celsius.




*Sunrise: 5:27 ng umaga*
*Sunset: 6:25 ng gabi*

* DZXL558*

Facebook Comments