Weather Update!

90

Manila, Philippines – Kahit nakalabas na ng bansa ang bagyong Isang apektado pa rin ng habagat ang malaking bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA, makararanas pa rin ng isolated rain shower ang mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro at Palawan.

Magiging maaliwalas naman sa Metro Manila maliban nalang sa mahinang ulan sa hapon o gabi.
Fair weather naman sa Visayas habang may isolated thunderstorms sa Mindanao.
Nakataas pa rin ang gale warning sa seaboard ng Northern Luzon partikular sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at Pangasinan.


Facebook Comments