Weather Update! Bagyong chedeng pumasok na sa loob ng Philippine Area of Resposibility

1073

Pumasok na sa loob ng Philippine Area of Resposibility (PAR) ang tropical depression “chedeng”.

Alas 11:00 kaninang umaga, huling namataan ang bagyo sa layong 950 kilometers east ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 60 kph.

Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 25 kph.

Mamayang alas 5:00 ng hapon, magbibigay ng update hinggil sa bagyong chedeng ang pagasa.

Facebook Comments