WEATHER UPDATE | Bagyong Tomas, naging LPA na lamang

50

Humina at ganap na lamang na Low Pressure Area (LPA) ang dating bagyong Tomas.

Ang LPA ay namataan sa 1,060 kilometers silangan ng Basco, Batanes.

Paliwanag ni DOST-PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin – humina ang bagyo dahil binabasag ito ng hanging amihan.

Dahil din sa amihan bukod sa malamig na panahon, magdadala rin ito ng mga pag-ulan sa hilagang Luzon.

Ang natitirang bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila ay magiging maganda ang panahon.

Facebook Comments