WEATHER UPDATE | Dalawang LPA nananatili pa rin sa loob ng PAR

Nananatili sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang dalawang Low Pressure Area (LPA).

Ang unang Lpa ay namataan sa layong 545 kilometers kanluran ng Subic, Zambales.

Bagaman at hindi ito magla-landfall ay posibleng maging bagyo ito.


Ang ikalawang LPA ay nasa layong 1,285 kilometers silangan ng Aparri, Cagayan.

Pinalalakas ng dalawang sama ng panahon ang hanging habagat na magpapaulan sa Bataan, Zambales, maging sa MIMAROPA at Western Visayas.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay makakaranas pa rin ng isolated thunderstorms.

Sunrise: 5:40 ng umaga
Sunset: 6:23 ng gabi

Facebook Comments