WEATHER UPDATE | Hanging amihan, posible muling umihip ngayong weekend!

112

Patuloy na mararanasan ang mainit at maalinsangang panahon.

Nananatili pa ring umiiral ang easterlies.

Pero huwag mag-alala ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez, magbabalik muli ang malamig na hanging amihan.

Magdala ng payong dahil posibleng umulan dulot ng easterlies sa Eastern Visayas, Caraga, Camiguin at Misamis Oriental, Davao Occidental at Sulu archipelago habang mainit at maalinsangan sa natitirang bahagi ng Kabisayaan at Mindanao.

Mananatili ang maaliwalas na panahon sa buong Luzon kasama sa Metro Manila maliban na lamang sa mga posibilidad ng pag-ulan sa dakong hapon o gabi.

Facebook Comments