WEATHER UPDATE | Hanging habagat, muling lumakas – PAGASA

378

Muling lumakas ang hanging habagat na nakakaapekto sa southern Luzon, buong Visayas at Mindanao.

Tumigil ang monsoon break matapos dumaan sa bansa ang bagyong Maymay.

Maghapon naman ang ulan sa Bataan, Zambales, Southern Luzon, Bicol at Mimaropa.

Buong Kabisayaan din ay magkakaroon ng pag-ulan.

Sa Mindanao, buong araw na uulanin ang Zamboanga Peninsula at Sulu Archipelago.

Asahan ang thunderstorm sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon.

Sunrise: 5:44 ng umaga
Sunset: 6:06 ng gabi

Facebook Comments