WEATHER UPDATE | LPA na nasa labas ng PAR, patuloy na binabantayan

47

Binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ito ay nasa silangan ng Northern Luzon at kasalukuyang humahatak sa hanging habagat.

Posible itong maging bago pero hindi ito inaasahang tatama ng kalupaan.

Asahan ang maghapong ulan sa Northern Palawan, Mindoro at Romblon.

Uulanin din ang kanlurang bahagi ng Kabisayaan.

Magkakaroon naman ng thunderstorms sa Mindanao.

Mataas din ang posibilidad ng ulan sa Metro Manila.

Sunrise: 5:44 ng umaga
Sunset: 6:05 ng gabi

Facebook Comments