WEATHER UPDATE | Luzon, apektado pa rin ng pag-ulang dala ng hanging habagat

60

Patuloy pa ring nakakaapekto ang hanging habagat sa Luzon.

Ang Ilocos Region, Cordillera, Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon at MIMAROPA ay asahan ang mahina hanggang sa katamtamang ulan habang paminsan-minsan ito ay magiging malakas.

Hindi apektado ng habagat ang Visayas at Mindanao kaya asahan ang maaliwalas na panahon na may tiyansa ng isolated rainshowers.

Kaninang alas-12:00 ng hatinggabi, naglabas ang pagasa ng heavy rainfall warning.

Nakataas sa yellow warning level ang Metro Manila, Rizal, Cavite, Bulacan, Southern Zambales, at Bataan kung saan asahan ang pagbaha sa mga mabababang lugar.

Facebook Comments