WEATHER UPDATE | Magandang panahon sa buong bansa asahan ngayong araw

41

Magandang panahon pa rin ang iiral sa buong bansa.

Sa umaga, asahan ang maulap hanggang sa mas maulap na kalangitan habang magiging mainit at maalisangan ang panahon sa tanghali dahil sa umiiral na easterlies.

Makararanas naman ng kalat-kalat at biglaang buhos ng ulan sa hapon o gabi bunsod ng localized thunderstorm.

Bukod dito, walang namo-monitor na Low Pressure Area (LPA) ang PAGASA na posibleng makaapekto sa bansa hanggang matapos ang weekend.

Pero babala sa mga nagbabalak magpunta sa Batanes magiging mataas ang alon sa mga baybayin sa extreme northern Luzon kaya bawal munang pumalaot lalo na ang malilit na sasakyang pandagat.

Facebook Comments