WEATHER UPDATE | Ompong, napanatili ang lakas; Signal no. 3, nakataas na sa lalawigan ng Isabela

1215

Nagpapaulan na ang typhoon Ompong sa hilangang bahagi ng Luzon habang hinahatak ang hanging habagat.

Huling namataan ang bagyo sa layong 655 kilometers silangan ng Infanta, Quezon.

Kumikilos ito west northwest sa bilis na 20 kph.

Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometers per hour at pagbugsong nasa 255 kph.

Nakataas na tropical cyclone warning signal number 3 sa Isabela.

Signal number 2 naman sa sumusunod:
Northern Luzon:
Batanes, Cagayan (kasama ang Babuyan Group of Islands), Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Pangasinan, La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Quirino, Quirino, Nueva Vizcaya

Central Luzon:
Pampanga, Bataan, Zambales, Bulacan

Southern Luzon:
Metro Manila, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, Quezon (kasama ang Polillo Islands), Northern Occidental Mindoro (kasama ang Lubang Island), Northern Oriental Mindoro, Masbate, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Burias at Ticao Islands
Inaasahang magla-landfall ito sa Cagayan-Isabela bukas ng umaga.

Facebook Comments