WEATHER UPDATE | Pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon, magtatagal pa hanggang bukas

41

Manila, Philippines – Magtatagal pa hanggang bukas ang nararanasang ulan sa ilang bahagi ng Luzon dala ng hanging habagat.

Maghapon pa rin ang ulan sa Ilocos Region, Cordillera, Central Luzon, Calabarzon at MIMAROPA.

Maaliwalas na ang panahon ang asahan sa buong kabisayaan maliban sa Panay Island na posible ang mahihinang ulan.

Sa Mindanao, mababa rin ang tiyansa ng ulan sa buong Mindanao pero magkakaroon ng thunderstorms sa bahagi ng Northern Mindanao, Caraga, ARMM at Soccsksargen.

Buong maghapon pa rin ang mahihinang ulan sa Metro Manila.

Ilang lugar naman ang nasuspinde ng klase ngayong araw dahil pa rin sa mga pag-ulan:

*All levels*
Olongapo City
Subic, Zambales
Nasugbu, Batangas

*Pre-school hanggang high school*
Abra

*Sunrise: 5:26 ng umaga*
*Sunset: 6:25 ng gabi*

Facebook Comments