WEATHER UPDATE | Panahon sa buong bansa, patuloy na magiging maaliwalas

117

Patuloy na magiging maaliwalas ang panahon sa buong bansa.

Ito ay dahil walang namo-monitor ang PAGASA na anumang sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Gayunpaman, makabubuti pa ring magdala ng payong dahil sa mararanasang maulap na kalangitan na mayroong thunderstorms at rain showers bunsod ng localized thunderstorms.

Magiging banayad naman hanggang sa katamtaman ang alon sa mga baybayin sa buong bansa.

Sunrise: 5:52 A.M
Sunset: 5:27 P.M

Facebook Comments