Website kontra fake news tungkol sa COVID-19, inilunsad ng gobyerno

Inilunsad ng gobyerno ang bagong website na magbibigay ng ulat kaugnay ng COVID-19.

Ang http://covid19.gov.ph ay proyekto ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na layong maiwasan ang panic dahil sa pagkalat ng mga fake news sa social media.

Sa laging handa briefing, sinabi ni Bureau of Communication Services Director Princess Pebbles Duque na magsisilbing gabay o proteksyon ang website para sa mga nagkakalat ng maling impormasyon.


Dito rin makikita o mababasa ang mga hakbang ng gobyerno sa pagtugon kontra COVID-19 gayundin ang mga ulat mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Sa tulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT), 24/7 na binabantayan ang website.

Facebook Comments