Website ng lungsod ng Maynila para sa vaccination schedules, 133 beses na pinagtangkaang na i-hack – Manila Mayor Isko Moreno

133 beses na pinagtangkaang na i-hack ang website ng lungsod ng Maynila para sa vaccination schedules ayon kay Manila Mayor Isko Moreno.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi rin ni Moreno na “tila nagkataon lang yata” na saktong nagdagsaan ang mga nais magpabakuna sa lungsod kahapon na nauwi sa pagpapatigil ng bakunahan sa ilang vaccination sites.

Una rito ay sinabi ng Manila Public Information Office na pumalo sa tinatayang 7,000 hanggang 10,000 indibidwal ang nagtungo sa isang vaccination site sa SM San Lazaro.


Samantala, hindi naman sigurado si Moreno kung posibleng ginawa ito ng mga kalaban sa politika lalo na’t patuloy na umuugong ang usap-usapan na tatakbo ito sa mas mataas na posisyon sa 2022 elections.

Facebook Comments