Website ng Mandaluyong, pansamantalang hindi ma-a-access

31

Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong na pansamantalang hindi magagamit ang kanilang official website na mandaluyong.gov.ph.

Batay sa kanilang abiso na inilabas ngayong umaga, simula alas-10:00 ngayong umaga hanggang alas-12:00 ng madaling araw ng Linggo, hindi muna ma-a-access ang kanilng website.


Ito ay dahil sa gagawing maintenance at system upgrade sa kanilang website.

Dahil dito, hindi muna magagamit ang lahat ng mga online feature at service ng pamahalaang lungsod kabilang na ang online.madaluyong.gov.ph, mga mini website, at lahat ng kanilang e-mail address.

Humihingi naman nag pag-unawa si Mayor Menchie Abalos sa mga residente ng lungsod, lalong lalo na doon sa mga gagamit ng kanilang website.

Facebook Comments