WEEK-LONG BREAK SA PANGASINAN DIVISION II, IPATUTUPAD; KLASE MULA ELEMENTARY HANGGANG HIGH SCHOOL, SUSPENDIDO

25
Suspendido ng isang linggo ang klase ng mga mag aaral sa pampublikong paaralan na sakop ng Pangasinan Division II.

Sa inilabas na memorandum ni Pangasinan II Division School Superintendent Danilo Sison, ipinag utos nito ang suspension ng klase mula elementary hanggang secondary level sa mga public schools sa naturang Division mula January 24 hanggang January 28.

Samantala, ipinasakamay nito na i-adapt ng pamunuan ng private schools ang discretion ang naturang kautusan na suspension.

Ang kautusan ay alinsunod sa memorandum na inilabas kamakailan ng DepEd Central Office na kung saan ay binibigyan ang bawat Regional Offices na magdesisyon sa pagkansela ng klase gayundin din ang iba pang teaching related activities na nakabatay naman sa COVID-19 situation sa bawat lugar.

Sa naturang suspension ay walang magsasagawa ng online at modular classes maging ang submission ng ibang pang requirements at ang distribution ng modules sa bawat paaralan. | ifmnews

Facebook Comments