Weekend Kadiwa ng Pangulo sa Intramuros, aarangkada na bukas

Hinihikayat ng Intramuros Administration ang mga mamimili, mga nag-eehersisyo at mga namamasyal na tangkilikin ang bubuksang Kadiwa ng Pangulo bukas.

Ala-sais ng umaga sisimulan ang pagtitinda ng iba’t ibang produktong pang-agrikultura at mga pagkain sa General Luna St. malapit sa Manila Cathedral.

Ang aktibidad ay magtatagal hanggang ala-sais ng gabi kung saan bubuksan ito tuwing Sabado at Linggo sa buong buwan ng Marso.


Sa mga mamimili sa Kadiwa ng Pangulo sa Intramuros, maaari silang makapamasyal sakay ng tranvia nang libre sa naturang mga araw.

Nasa 25 mamimili ang makaiikot sakay ng tranvia ng alas-10 ng umaga at panibagong 25 mamimili rin sa alas-3 ng hapon tuwing weekend at kailangan lamang nilang ipakita ang resibo sa pagbili sa Kadiwa.

Facebook Comments