WEIRD DREAM | Minnesota man, wagi ng jackpot sa lotto dahil sa kanyang panaginip

59

Minnesota – Isang lalaki sa Minnesota ang nanalo ng 100,000 dollars na
jackpot prize sa lotto dahil sa kanyang “weird dream”.

Katumbas ito ng 5.2-million pesos.

Kwento ni Lor Her, sa panaginip niya, bigla raw siyang nakatanggap ng
“windfall” o unexpected good fortune.

Dahil dito, na-engganyo raw siyang bumili ng lottery ticket sa
pagbabaka-sakaling isang magandang senyales ang kanyang panaginip para
manalo.

Noon ring araw na ‘yun, bumili siya ng scratch-off ticket sa Tri-City BP
gas station at nagkatotoo nga ang kanyang panaginip!

Balak ni Lor Her na bilhan ng bagong kotse ang kanyang magulang at gamitin
ang matitira para sa pinaplano niyang pagpapakasal.

Facebook Comments