WELDER NATAGPUANG PATAY SA KANILANG BARRACKS SA BRGY. POOK

35

Kalibo, Aklan – Patay na ng makita ng kanyang kasamahan sa barracks na tinutulugan nito ang isang welder kaninang umaga sa Brgy. Pook, Kalibo, Aklan. Ang biktima ay kinilalang si Elgen Aguirre, 37-anyos, taga Dinginan, Roxas City at welder sa ginagawang Emission Testing Center ng Aklan Prime Motors Services Inc. Base sa salaysay ng gwardya sa site ay ginising ito ng mga kasamahan para mag kape pero hindi ito sumasagot dahilan para pumasok ang kasama nito at pinikpik pero hindi na gumagalaw at ng hawakan ay doon nalaman na malamig na at matigas ang katawan nito. Lumalabas din sa imbestigasyon na Agosto 15 ay umuwi pa ito sa Roxas City at bumalik dito Agosto 17, 2020. Sumama ang pakiramdam at nilagnat rin ito Linggo ng hapon at naginginig. Dahil sa hindi pa malaman kung ano ang ikinamatay ng biktima ay agad namang ipinasuri ni Hon. Ronald Marte (Punong Barangay ng Pook) sa Municipal Health Office ang katawan ng biktima pati ang mga kasamahan nito at para rin na masunod ang safety health protocol. Nag responde rin sa lugar ang mga taga MDRRMO Kalibo at Kalibo PNP.

Facebook Comments