Wellmed Dialysis Center, tigil-operasyon!

93

Tigil-operasyon na ang Wellmed Dialysis Center matapos makulong at makasuhan ang may-ari nito na si Bryan Sy dahil sa “ghost claims.”

Bukod kay Sy, nakakulong sa NBI detention cell ang 2 whistleblowers na dating empleyado ng Wellmed na sina Edwin Roberto at Liezel Santos sa kasong estafa at falsification.


Pero ayon kay Atty. Harry Roque, abogado ng mga whistleblower – dapat may makasuhan ding mga taga-PhilHealth.

Sagot dito ni PhilHealth Legal Department acting Senior Manager Ernesto Barbado – sinimulan na nila ang sariling imbestigasyon at kakasuhan ang sinumang empleyado at opisyal na sangkot sa scam.

Samantala, sinabi ni dating Health Secretary Janette Garin – matagal nang umiiral ang “ghost”  dialysis claims sa PhilHealth.

Mayroon ding “ghost” claims sa iba pang PhilHealth packages.

Sa ngayon, si PhilHealth Executive Vice President and Chief Operating Officer John Basa ang itinalaga ng Department of Health (DOH) bilang PhilHealth OIC.

Facebook Comments

From Advertisers