WESTERN VISAYAS NAKA-REKORD NG 68 NA BAGONG KASO NG COVID-19, ISA ANG PATAY

15

Kalibo, Aklan — Nadagdagan na naman ng 68 na bagong kaso ng COVID-19 ang Western Visayas ngayong araw base sa datus na ipinalabas ng Department of Health (DOH) 6 alas 11:00 ngayong umaga.
Ang 68 na mga bagong kaso,ay galing sa mga lugar ng:
*Guimaras – 13 *Iloilo Province – 21 *Negros Occidental – 38 *Bacolod City – 3 *Iloilo City 3
Sa data ng DOH, merong namatay na isa dahil sa nasabing sakit at galing sa Lapuz, Iloilo City.
Ayon sa DOH 6, ang 80-anyos na lalaki ay namatay sa nasabing sakit noong Hulyo 7pero kahapon lang lumabas ang resulta ng kanyang test.
Sa ngayon, umabot na sa 679 ang total confirmed COVID-19 cases sa Western Visayas at 12 ang napatay.

Facebook Comments