WestMinCom, naniniwalang mayroong apat na suicide bombers na nagtatago sa Mindanao

128

Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP WestMinCom) na mayroong apat na babaeng Indonesian na maaaring magkasa ng suicide bomb attacks ang nagtatago sa Mindanao.

Ayon kay WestMinCom Commander Major General Corleto Vinluan, sila ay ang mga anak ng mag-asawang nasa likod ng suicide bombings sa Jolo Cathedral noong 2019.


Apat na babae ay kasama ng Abu Sayaff Group na pinamumunuan ni Mundi Sawadjaan.

Pinaghahanap na rin ng mga awtoridad ang anak ng isang Egyptian suicide bomber na naglunsad ng pag-atake sa Indanan, Sulu noong nakaraang taon.

Bago ito, nakilala na ng Joint Task Force Sulu ang mga suspek na nasa likod ng kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu nitong Lunes kung saan 17 na ang namatay at higit 70 ang sugatan.

Facebook Comments