WHISTLEBLOWER | BOC Deputy Collector Mangaoang, posibleng isailalim sa provisional coverage ng WPP – DOJ

669

Manila, Philippines – Posibleng ilagay sa provisional coverage ng Witness Protection Program (WPP) si Customs Deputy Collector Maria Lourdes Mangaoang.

Si Mangaoang ay dating pinuno ng x-ray inspection protect ng Bureau of Customs (BOC), na nakatatanggap ng banta sa buhay matapos niyang ibunyag na may lamang mga shabu ang apat na magnetic lifters na natagpuan sa Cavite.

Pero ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra – wala pa silang natatanggap na request mula kay Mangaoang hinggil sa WPP coverage.

Aniya, kailangan muna ng rekomendasyon kay Senador Richard Gordon at approval mula kay Senate President Tito Sotto III.

Nabatid na tumestigo si Mangaoang sa congressional hearing kung saan na sinabi nitong may nangyaring cover-up sa smuggling ng tinatayang ₱6.8 billion na halaga ng shabu sa bansa.

Facebook Comments