Whistleblowers ng “ghost dialysis,” nag-apply para sa WPP ng DOJ

39

Nag-apply na para sa Witness Protection Program (WPP) mga whistleblower ng “ghost dialysis” claims sa PhilHealth na sina Edwin Roberto at Leizel Santos De Leon.

Kinumpirma ito nina Justice Secretary Menardo Guevarra at Uundersecretary Mark Perete.


Kaugnay nito, ipinag-utos ni Guevarra madaliin ang resolusyon ng aplikasyon.

Matatandaang kinasuhan ng estafa sina Roberto at De Leon gayundin ang isa sa may-ari ng Wellmed Dialysis Center na si Brian Sy.

Umaasa naman si Atty. Harry Roque, abodago ng mga whistleblower na magiging witness sa kaso ang dalawa.

Facebook Comments

From Advertisers