WHO expert na tutulong sa pagtukoy sa COVID-19 variants, dumating na sa bansa

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na dumating na sa bansa ang isang eksperto ng World Health Organization (WHO) mula sa Geneva, Switzerland.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na tatagal ng isang buwan sa bansa ang WHO expert.

Partikular aniyang tutulong ang eksperto sa pag-aaral sa mga variant ng COVID at isinasagawang genome sequencing.


Una nang humingi ng tulong ang DOH sa WHO sa harap ng patuloy na pagdami ng nai-infect ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments