WHO, nagbabala sa pagluluwag ng health protocols

42

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) laban sa pagluluwag ng minimum public health standards sa bansa laban sa COVID-19.

Ito ay sa harap ng mga suhestyong tanggalin na ang pagsusuot ng face shields bilang requirement sa health protocols.


Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, hindi inirerekomenda ang pagluluwag ng basic health protocols lalo na at mababa pa ang vaccine coverage ng Pilipinas.

Sa ngayon, nananatiling hamon ang supply ng COVID-19 vaccines pero inaasahang dadami ito sa susunod na dalawa hanggang tatlong buwan.

Facebook Comments