Wholesale price ng carrots, nanatiling stable sa nagdaang linggo ayon sa DA

82

Walang pagtaas ang wholesale price ng carrots at walang makabuluhang pagbabago-bago ang naitala sa nakaraang linggo.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), batay sa nakalap na datos ng Benguet Agri-Pinoy Trading Center ang presyo ng carrots para sa Mayo 24 ay ₱25-40 kada kilo, ₱20- 26 para sa Mayo 25, ₱10-25 para sa Mayo 26 at ₱20- 23 nitong Mayo 27.

Kanila ring sinabi na walang pagtaas sa traded volumes ng agricultural commodities noong nakaraang linggo.


Paliwanag pa ng DA na patuloy nilang tinutulungan ang mga magsasaka na madala ang kanilang ani sa mga pamilihan sa loob at labas ng rehiyon sa pamamagitan ng Kadiwa ni Ani at Kita.

Pagtiyak pa nito sa publiko na may sapat na suplay ng mga highland vegetables tulad ng carrots at sa pangkalahatan ay maganda ang presyo para sa mga magsasaka.

Facebook Comments