WILDFIRE | Higit 70 patay sa nagpapatuloy na wildfire sa Greece

53

Greece – Pumalo na sa 74 ang patay sa wildfire sa Greece.

Ayon kay Prime Minister Alexis Tsipras, nahaharap ngayon ang kanilang bansa sa isang malagim na trahedya.

Idineklara na niya ang tatlong araw na pampansang pagluluksa.

Ang sunog ay umabot na sa bayan ng Mati, 29 kilometro silangan ng Athens.

Inaasahang tataas pa ang bilang ng casualty.

Hindi pa malinaw ang kung ano ang eksaktong bilang ng mga taong nananatiling ‘unaccounted for’.

Facebook Comments