Willie Revillame, binisita ang apo sa anak na si Meryll Soriano

‘Happy lolo’ ang peg ng host na si Willie Revillame nang bisitahin niya ang kanyang apo sa anak na si Meryll Soriano.

Sa Instagram post, makikitang yakap ni Meryll ang ama at karga naman ni Lolo Willie ang cute niyang apo.

Hindi rin nakatiis ang ‘Mommy number 2’ ni Meryll na si Maricel Soriano na bisitahin ang pinakabagong baby sa kanilang pamilya.


Matatandaang ginulat ni Meryll ang social media nang i-reveal nito ang bagong family picture kasama ang newborn baby nila ng boyfriend nitong si Joem Bascon.

Facebook Comments