Window hour sa bayan ng Agoncillo, iaapela ng Mayor nito

Nagsibalikan na ang ilang mga residente sa Lemery, Batangas.

Ito ay matapos na payagan nang makabalik sa kanilang mga bahay ang ilang bayan na hindi sakop ng 7-kilometer danger zone kasunod ng pagbababa ng alerto ng Bulkang Taal sa level 3.

Sa ngayon, tanging ang Agoncillo at Laurel na lang ang naka-lockdown.


Balak namang hilingin ni Agoncillo Mayor Daniel Reyes kay Batangas Gov. Hermilando Mandanas na bigyan sila ng window hour.

Kung payagan, ipatutupad sana ito ngayong ala-una hanggang alas-singko ng hapon.

Facebook Comments