WINNER! | Pambato ng Mexico, itinanghal na Miss World

70

China – Itinanghal na miss world sa kauna-unahang pagkakataon ang pambato ng bansang Mexico na si Vanessa Ponce de Leon sa ginanap na Miss World 2018 sa Sanya, China.

Bumida ang Mexican beauty sa 118 kandidata mula sa iba’t ibang sulok ng daigdig,

Itinanghal naman bilang first runner-up si Nicolene Limsnukan ng Thailand.

Binuo rin nina Miss Belarus Maria Vasilevich, Miss Jamaica Kadijah Robinson at Miss Uganda Quiin Abenakyo ang top 5.

Maaga namang namaalam sa kompetisyon ang pambato ng Pilipinas na si Katarina Rodriguez kung saan ay bigo itong makapasok ng top 30.

Mataandaan na dati nang itinanghal bilang Ms. Intercontinental 2017 1st runner up si Katarina.

Noong nakaraang taon ay laglag agad sa top 15 ang pambato ng bansa na si Laura Lehmann,

Sa ngayon ay tanging si Megan Young pa lamang ang naging miss world crown Pilipinas.

Facebook Comments