WiSUPPORT, inilunsad ng DSWD

64

Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang WiSUPPORT na isang online mental and psychological assistance.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, layon nitong bigyan ng psychosocial support ang mga indibidwal o pamilyang nakararanas ng takot, pangamba at iba pang pag-alaala dulot ng pandemya.

Gagamitin aniya ang mga online platform gaya ng email, web portal, telephone at mobile application.


Sinabi naman ni Dumlao na katuwang nila rito ang Department of Health (DOH) at National Center for Mental Health.

Maaaring ma-contact ang WiSUPPORT sa mga sumusunod:

Call Hotlines: 0947-482-2864 (Smart); 0916-247-1194 (Globe)



Text Hotline: 0918-912-2813

Email: wisupport@dswd.gov.ph


Website: ekwentomo.dswd.gov.ph

Maaaring i-download ang kanilang app para sa mga Android phone dito.

Facebook Comments