Wizzards – target itabla ang serye sa game 6 kontra Boston Celtics

70

NBA – Hindi nawawalan ng pag-asa ang Washington Wizzards na makabawi sa game 6 ng Eastern Conference Semifinals kontra Boston Celtics.

Abante na kasi sa 3-2 na serye ang Boston matapos talunin ang Wizzards sa iskor na 123-101 kanina.


Gayunman ayon kay Washington Wizards Point Guard John Wall, masaya pa rin siya naging performance ng kasamahan niya sa team.

Gaganapin ang game 6 sa sabado sa homecourt ng Wizards.

Sakaling maitabla ang serye, maghaharap sa do-or-die game ang dalawang koponan sa Martes, May 16 na gaganapin sa Boston.

DZXL558



Facebook Comments