Work hours ng Bureau of Immigration, balik na sa normal

41

Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) na balik na sa normal ang kanilang work hours epektibo sa November 22.

Partikular ang pre-pandemic office hours na alas-7 a.m ng umaga hanggang alas-5 p.m ng hapon.

Kasunod ito ng pagbaba ng National Capital Region (NCR) sa Alert Level 2.


Layon nito na mas makapag-serbisyo pa ang BI sa kanilang mga kliyente.

Sa kabila nito, pa-i-iralin pa rin sa mga tanggapan ng BI sa NCR at sa iba pang lugar na nasa ilalim Alert Level 2, ang minimum na 50% hanggang sa 70% skeleton workforce habang ina-adopt ang alternative work arrangements.

Facebook Comments