Work stoppage order sa Skyway Project, partially lifted – DOLE

47

Bahagyang binawi ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Supplemental Work Order na inisyu ang DOLE-National Capital Region (NCR) para ihinto ang aktibidad sa kabuoan ng Skyway Extension Project sa Sucat Alabang Viaduct.

Ang kautusan ay nilagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello III.


Ayon kay Bello, ang pagsuspinde sa proyekto ay nakaapekto sa trabaho ng mga empleyadong umaasa lamang sa operasyon ng proyekto.

Binanggit din ang sulat ng EEI Corporation noong November 23 kung saan ang insidente ay isang isolated case at mahigpit na ipinapatupad ang safety protocols.

Nagsasagawa ang EEi ng full risk assessment at mitigation para malaman ang dahilan ng pagbagsak ng isang steel girder na ikinamatay ng isang motorista.

Paglilinaw ng DOLE, ang Work Stoppage Order na inilabas ng kanilang NCR office ay sakop lamang ang incident area ng construction site ng proyekto.




Facebook Comments